PUWERSAHAN
AKONG
PINAGBIBIGAY
NG MGA
SEKSWAL
NA SERBISYO
KINOKONTROL
AKO
HINDI AKO
MALAYA
NANGAN-
GANIB!
HUMINGI NG
TULONG!
GUSTO KONG TUMIGIL NGUNIT
PUWERSAHAN AKONG
PINAGPAPATULOY
BINA-BLACKMAIL
AKO
MAY BANTAY NA MAY HAWAK
NG PASAPORTE KO
KAILAN-
GAN KO NG
TULONG!
AKO
BA AY NASA
PANGANIB?
TUMAWAG
NA!
MAG-INGAT,
MAY
PATIBONG!
NUMERO NG TELEPONO PARA SA EMERGENCY 08000 22 99 22
Handa kaming tulungan ka anumang oras!
Ikaw ba ay bihag?
Gusto mo bang makalaya?
Tutulungan ka naming makaalis!
May ilang bagay kaming itatanong:
Alam mo ba kung nasaan ka?
Mailalarawan mo ba ang kinaroroonan mo?
Ang gusali?
Kung nasaang bahagi ka ng gusali?
May nakabantay ba sa iyo?
May isa o ilang bantay ba at armado ba sila?
Mag-isa ka ba o may alam ka bang iba pang biktima?
Nakatamo ka ba ng pinsala?
Handa kaming tulungan ka!
Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya. Libre at kumpidensyal ang pagtulong namin.
Gamit ang impormasyong ibibigay mo, susubukan naming hanapin at tulungan kang makalaya sa kinasasadlakan mong sitwasyon.
May tip ka bang nais iparating sa amin? May kakilala ka bang nangangailangan ng tulong? Makipag-ugnayan sa amin! Makakatulong ang anumang impormasyon. Ililihim namin ang iyong tawag at mananatili kang anonymous.
NUMERO NG TELEPONO PARA SA EMERGENCY 08000 22 99 22
LOVERBOY
May nakilala ka bang mabait na lalaking nagbibigay sa iyo ng mga mamahaling regalo?
Ang mga loverboy ay mga binatang nagpapanggap na mahal nila ang isang dalagita o dalaga para linlangin siyang pumasok sa prostitusyon at puwersahin siyang magbigay ng mga sekswal na serbisyo.
Nirerespeto ka ba ng boyfriend mo?
May mga sinasabi ba siyang problemang pinansyal kung saan dapat mo siyang tulungan?
Gusto ba niyang ilihim ang inyong relasyon?
Nagbabago ba ang mood niya, halimbawa, mapagmahal at mapag-aruga siya ngayon pagkatapos ay bigla siyang magiging agresibo?
Bayolente ba siya?
May mga pinapagawa ba siya sa iyo na hindi mo gusto?
Kinokontrol ka ba niya?
NUMERO NG TELEPONO PARA SA EMERGENCY 08000 22 99 22
ANO ANG SUNOD NA MANGYAYARI
Napapailalim ka sa espesyal na proteksyon.
Dadalhin ka namin sa isang ligtas na lugar.
Mayroon kaming mga shelter at kumpidensyal ang lokasyon ng mga ito. Maaari kang manatili sa isa sa aming mga safehouse hangga’t kailangan mo.
Magkakaroon ka ng sarili mong kuwarto at makakatanggap ka ng pangangalagang medikal, pagkain at mga damit.
May mga bihasang tao na maaaring mag-alaga sa iyo at mapagkakatiwalaan mo.
Ikaw ang magpapasya kung gusto mo o hindi na magsampa ng kaso. Maaari kang magsampa ng kaso agad-agad o sa ibang pagkakataon, o hindi kailanman gawin ito. Walang mamimilit sa iyong gumawa ng kahit anong ayaw mong gawin.
NUMERO NG TELEPONO PARA SA EMERGENCY 08000 22 99 22
MGA PANGAKONG
TRABAHO
May nakilala kang nangako sa iyo ng magandang oportunidad sa trabaho sa ibang bansa.
Nagkukunwari ang mga human trafficker na mabibigyan nila ang isang tao ng trabaho at pagkakataong kumita ng malaki. Halimbawa, bilang kasambahay, yaya, nurse, o sa catering. Nalilinlang ang mga dalaga sa pagsasabi sa kanilang may potensyal silang makapagtrabaho bilang fashion model.
Sa pupuntahan nilang bansa, pupuwersahin at iba-blackmail sila para pumasok sa prostitusyon sa pamamagitan ng pagbabanta sa buhay ng kanilang mga pamilya sa kanilang bansang pinagmulan. Maliban doon, kadalasan pa ay hindi sila sa ipinangakong bansa dadalhin.
Mayroon ba talagang ganoong kompanya o ahensya?
Maaari mo bang malaman kung lehitimo ang mga ito?
Makakakuha ka ba ng anumang mapagkakatiwalaang review o sanggunian?
Makukuha mo ba ang mga dokumento sa pagbiyahe?
Alam mo ba ang itineraryo?
Maaari mo bang itabi ang pasaporte mo?
Mayroon bang matataas na gastos sa transportasyon na kakailanganin mong pagtrabahuhan para mabayaran?
NUMERO NG TELEPONO PARA SA EMERGENCY 08000 22 99 22
ANO ANG SUSUNOD NA HAKBANG?
Maaari kang manatili sa shelter hangga’t kinakailangan.
Matatanggap mo ang anumang suportang maibibigay namin sa iyo.
Kung handa ka na at kung gusto mo, tutulungan ka naming bumalik sa sarili mong bansa.
Ayaw mo bang bumalik? Hindi ba ligtas sa bansang pinagmulan mo? Tutulungan ka naming humanap ng paraan para manatili sa Germany.
Anuman ang mapagpasyahan mo, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para tulungan at suportahan ka. Karamay mo kami!
NUMERO NG TELEPONO PARA SA EMERGENCY 08000 22 99 22
PANANAMANTALA SA KAGIPITANG NARARANASAN NG MGA REFUGEE
Tumakas ka sa sarili mong bansa nang walang kasamang pamilya.
Ginagamit ng mga human trafficker ang mga rutang dinaraanan ng mga refugee para maghanap ng mga bagong biktima. Nakatuon sila sa mga bata at menor-de-edad.
Pinapangakuan ang mga babae at batang babae ng tulong at suporta sa kanilang pagtakas. Kadalasan ay napapagsamantalahan na sila at napipilitan na silang pumasok sa prostitusyon habang naglalakbay.
Nagkakaroon sila ng mga hindi totoong utang sa pagkuha ng papeles o transportasyon.
May nag-alok ba sa iyo ng tulong sa paglalakbay mo?
Binigyan ka ba ng opsyon sa transportasyon?
May pinagkakautangan ka ba?
NUMERO NG TELEPONO PARA SA EMERGENCY 08000 22 99 22
Nagtatrabaho ka sa isang shelter para sa mga refugee.
Makakatulong ka sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga taong madaling mapagsamantalahan at pagbibigay ng tulong.
Sa mga refugee camp, may napansin kang mga grupo ng mga batang babae na mukhang naglalakbay nang walang kasamang pamilya ngunit mukhang may kasamang lalaki.
NUMERO NG TELEPONO PARA SA EMERGENCY 08000 22 99 22